Thanks for admiring me. Pero as what I always try to tell you: learn how to admire yourself first. Hindi ako gwapo, hindi ako perpekto, hindi ako isang tao na madaling lapitan ng mga taong hindi ako kilala, hindi ako mabait. Mayabang ako, bagama't walang tinatapakang tao.

Maraming salamat sa pagmamahal at sa pagnanais mong sumuporta sa akin. Ang totoo, tulad nang lahat ng tao, kailangan ko din ang atensyon na ibinibigay mo. Ngyunit siyempre, ayaw kitang umasa sa wala. Siguro nga ay tama ka na sadyang may nagmamay-ari lang talaga ng puso ko. Hindi ito dahil sa iyo o dahil sa pagkatao mo. Dahil ito sa sitwasyon. Katunayan pa nga ay masaya akong maging kaibigan ka. Pero hanggang doon nga lang ang kaya kong ibigay sa iyo.

At mukang ayaw mo pa tanggapin yun.

1 Comments:

Anonymous said...

basta tandaan mu mahal na mahal kita...masaya ako nung ginawa natin un...kahit anung pangit na ugali pa ang sabihin mu...mangingbabaw parin kung anu ang nakita ko sau....mahal ko :)

Post a Comment

 
Copyright © tumblr.blogspot