MacArthur


“Naranasan mo na bang makulong sa isang palikuran na di mo gaanong kakilala at magkaroon ng isang malupet na MacArthur?”

Dahil Disyembre nagayon at talaga namang hindi maikumpara ang lamig sa nakaraang taon, tao lang tayo at nagkakasala. Kaninang umaga ay nagpunta ako sa CGS sa Mandaluyong dahil nagtext si Mark para alam mo na ---magpakantot. Ayos lang din naman sa akin ang itsura ni Mark at dahil libog na din naman ako, wala nang masyadong pili-pili pa. Ika nga, “beggars can’t be choosers”.

First time ko pa lang mameet si Mark kanina.

Ok. Cge. No pr0b. Glenhaven tower 1 ako, kita tayo sa 2nd flr.

Dahil sa nagmamadali na din kami sapagkat dadating na ang kanyang housemate by 8am or maximum by 9, takbo na agad ako sa tagpuan. Eksaktong nasa elevator ako ng building nila nang kumulo na nang todo ang aking sikmura at hindi ko na makayanan.

Bumukas ang pinto ng elevator. May isang lalakeng nakatayo at nakangiti ngunit hindi naman siya sumakay sa elevator. Alam kong siya na yun.

“Hi, I’m Doug.” Sabay labas ng elevator car at nakipagkamay. “I was about to text you that I was going to first use the rest room in your clubhouse. I’ll be back in a while.”

Bumaba ako…gamit nang hagdan dahil naiwan na ako nang nasabing elevator. Dalawang floors lang naman. Nahirapan pa ako bago tuluyang makababa sa clubhouse. Hindi ko pa alam kung papaano bubuksan ang gate ng clubhouse. Sana may palikuran. Hindi din alam ni Mark kung may CR ang clubhouse nila.

Natanaw ko sa isang gilid ang sign nang CR. Kinakabahan ako, baka nakakandado pa ang CR dahil masyado pang maaga. May maintenance naman na naglilinis nang swimming pool kaya lang alam kong hindi ko na kayang mag-antay pa na magpakuha ng susi.

Dahan-dahan kong iniikot ang doorknob. Salamat naman at bukas. May casserole sa isa sa mga cubicles nito. Malamang ay iyon ang ginagamit nilang tabo. Agad kong kinuha ito at pinuno nang tubig sa gripo bago ako magkulong sa cubicle. Walang sabitan nang bag ang likod nang pinto. Ayaw ko naman ilapag ang bag ko tiles dahil hindi gaanong malinis ang CR na iyon. Napilitan pa tuloy akong bukasan ulit ang pinto para maisabit ko ang bag ko. Dali-dali kong ibinaba ang aking pantaloon at brief.

Haaay nako looorrrd, salamat naman at nakalabas din.

Nang ako’y matapos na, naisipan kong tignan kung gaano ba kalaki ang pinasabog kong bomba. Mabrown ito at malaki. Mukang napakabigat. Parang fetus ito na may pagkakadibisyon sa tatlong parte na alam mong maaaring mahati kapag nahawakan mo o nabangga nang kung anuman.

Hindi ako nagkamali. Nang magflush na ako nang inidoro, nahati ang tae ko sa dalawa. Unang na-flush yung maliit.

Ang hina naman nang flush nang inidorong to. Susuko na sana ako at iiwanan na lamang siya dun na palutang-lutang ngunit bigla akong nakaisip ng technique. Kailangan bitawan ang flush at bumwelo ulet para mas lumakas ang pressure ng tubig na lumalabas mula dito. Nag-enjoy naman ako kaya pinaulit ulit ko hanggang sa mahati na naman ito sa dalawa.

Pumasok na din sa wakas ang kalahati ngunit may natitira pa. Alam kong weird yung pagkakatakbo ko kanina kay Mark at baka iniisip niya na hindi ko siya nagustuhan at dahilan ko na lang yun na mag-cCR ako para makaalis kaya nais ko sana siya itext kaagad para makapag-sorry.

May tumutunog sa bulsa ng bag ko. Tumatawag na pala si Mark. Pano to? Hindi ko pa matapos-tapos palubugin ang huling bahagi nang sama ng loob ko.

Naranasan mo na bang makulong sa isang palikuran na di mo gaanong kakilala at magkaroon ng isang malupet na MacArthur? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin mo?


0 Comments:

Post a Comment

 
Copyright © tumblr.blogspot