I am posting this because I am SHOCKED

Natutuwa naman kami at maganda ang naging pagtanggap ninyo sa ating munting tambayan na ito. Sana ay patuloy pa tayong lumaki at magsilbing pinto ang blog na ito para sa mga istorya at kwentong nais ninyong buksan sa mundo. Bukod sa Pilipinas, mayroon din tayong ilang mga naging bisita mula sa Amerika. Marahil ay yoon yung mga kababayan natin na doon namamalagi ngayon. Sana ay naging masaya ang kanilang Pasko at bagong taon kaparis nang naranasan natin kapiling ang ating mga mahal sa buhay dito sa Pinas. Doon pa lang ay masasabi kong shocked na talaga kaming mga admin.


DAY 2 HIGHEST NUMBER OF VISITORS FOR AN INTERVAL.



Nawa ay magbukas din ito ng daan upang mas lalo pa nating sabay-sabay na maintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang bisexual. At ang mga paghihirap na kanilang dinadaanan.


* * *

Mayo nang nakaraang taon nang muli kaming magkaroon nang contact nang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan noong hayskul. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Babae siya at minahal ko din siya noong hayskul. Ipinaalam ko naman sa kanya iyon sa kanya bagaman alam niyang malamya ako na nagmamahal ng tulad niyang babae. Sobrang napalapit ang loob naming sa isa’t isa kaya hindi ko siya masisi noon nang magalit siya matapos akong magtapat sa text. Magadang babae si Mary at marami siyang nagiging manliligaw kahit saan man mapadpad na lugar. “Chick” ika nga. Ngayon marahil kung babalikan ko ang mga nangyari noon, isa na din iyon sa mga naging dahilan upang hindi ko nagawang sia at ligawan. Sa madaling salita, hindi naging kami at nanatiling magkaibigan hanggang sa maghiwalay nang graduation.

Sa aking pagbabalik sa kanyang buhay, naisipan kong ipakita na nag-iba na ako. Mas makisig, mas matapat, at mas gentleman. Sa madaling sabi, nais kong mas magustuhan na niya ako. Inamin ko sa kanya pati ang katotohanan na nagkaroon ako nag boyfriend at kahihiwalay lang naming noong mga panahong iyon. Hindi ako natakot na malaman niya kung sino talaga ako para walang maging sisihan kahit pa sa bandang huli.

Hindi ako nag-atubiling manghingi nang payo sa aking mga kaibigan pati na din sa mga websites na naglalaman ng mga tips sa panliligaw at pang-iimpress ng babae. Aminado naman ako na hindi ko talaga alam ang gagawin. Mabuti na lang at nandyaan ang eHow at Wikihow.com.

Akala ko okay na ako. Akala ko, sa loob ng mahigit anim na buwan na iyon ay handa na akong magtapat sa kanya nang hindi nag-bubuckle at parang normal lang. Hindi pala. Hanggang sa ngayon, hindi pa din ako marunong magsalita. Parang sa boss ko lang kapag may hihinging pabor.

Nasabi ko na sa kanya na gusto ko siya pero hindi ko nagawang malinaw sa kanya ito. Sabi ko: “I like you” bago siya tuluyang makapasok sa pinto nang kanilang bahay.

Magulo pa ang isipan ko ngayon at siguro nais lamang maghinga nang sama ng loob sa inyo. Siguro din ay naghihintay nang ibang mga opinyon na mamaaring mayroon kayo.

3 Comments:

cedric said...

i think you need not to focus everything on making her see you, but let her feel your presence. i know for one na true feelings are felt when you sincerely show it.

Pinoy Bisexual said...

Thank you sa advice pareng Cedric. haha.... Baka nagulat lang si ate sa pagtatapat ko. ;)

Pinoy Bisexual said...

UPDATE: Hindi naman yata siya masyadong galit kasi tinext pala nya ako kaninang 1:26 am na mag-ingat daw sa byahe. Hehehe... Nabuhayan ako dun at nawala antok.

Post a Comment

 
Copyright © tumblr.blogspot